Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Tulay sa Coldit-Toboy Boundary, pwede nang gamitin

Aug
12,
2020
Comments Off on Tulay sa Coldit-Toboy Boundary, pwede nang gamitin

Tulay sa Coldit-Toboy Boundary, pwede nang gamitin simula ngayong araw ng Biyernes
Ngayong Biyernes ng hapon ay pwede na muling daanan ang tulay na nagdurugtong sa Barangay ng Coldit at Barangay Toboy.
Ang pagsasaayos sa naturang istraktura ay isa sa mga hiniling kay lodi Mayor Carlos Lopez Jr
.
“Pinalapad natin yung tulay kasi madami nang nadidisgrasya diyan kaya tinugunan natin yung request ng dalawang barangay, Punong Barangay Arnold Guererro at si
Punong Barangay Leticia Ramos Dollente
nagkaroon sila ng request”, pahayag ng alkalde.
” marami na daw naaksidente diyan kasi masikip yung tulay kaya gumawa tayo ng paraan para mapaluwang natin at sa madaling panahon eh matatapos na yan next week” dagdag ng alkalde.
Ayon kay Liga ng mga Barangay President Letecia Ramos Dollente, takaw aksidente ang 75 taong na tulay dahil sa makipot nitong daanan.
“Thank you lumuwang na, siyempre wala naman sigurong masasagi na sasakyan na” saad ni Dollente.
Writer Akosi MarsRavelos
Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top