Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Isang drum na basura, sanhi ng pagbabaha sa Zone 1 Macalong

Aug
12,
2020
Comments Off on Isang drum na basura, sanhi ng pagbabaha sa Zone 1 Macalong

Isang drum na basura, sanhi ng pagbabaha sa Zone 1 Macalong
Bumisita kahapon si Lodi Mayor Carlos Lopez Jr
sa kahabaan ng Zone 1 Macalong at Malong st. sa bahagi ng barangay Poblacion West.
Kasabay nito ay ang pag-inspeksyon sa mga imburnal kasama ang Engineering Department upang malaman ang dahilan ng pagbabaha sa lugar.
Ayon sa panayam kay Romeo Angeles Sr.
, Administration Aide 1 at Team Leader ng Maintenance Department, umabot sa isang drum ng basura ang nakolektang nakabara sa imburnal.
Sari-saring plastic at mga dahoon ng acacia ang inalis upang maging malinis ang imburnal.
Kasama sa nasabing pagsasaayos ng pagbabara sa imburnal ay ang mga tauhan ng Material Recovery Facility o MRF sa pangunguna ni Julian Marzan Ilumin
.
Writer: Akosi MarsRavelos
Photo JC Aying
/ Rome Butuyan Bagood

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top