Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MGA DEPEKTIBONG TIMBANGAN SA PALENGKE NG ASINGAN, KINUMPISKA

Oct
8,
2019
Comments Off on MGA DEPEKTIBONG TIMBANGAN SA PALENGKE NG ASINGAN, KINUMPISKA

MGA DEPEKTIBONG TIMBANGAN SA PALENGKE NG ASINGAN, KINUMPISKA;
MAYOR LOPEZ NAMILI NG PRODUKTONG KARNENG BABOY, ASINGAN WALANG KASO NG ASF.

Palengke Day Friday.

Umabot sa 12 timbangan na depektibo ang kinumpiska ng mga kawani ng Market Division nang nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon sa pamilihang bayan ngayong biyernes ng umaga kasama si Mayor Carlos Lopez Jr at pwersa ng PNP Asingan sa pangunguna ni PMAJ Leonard Zacarias.

Isa-isang sinuri ng mga otoridad ang timbangan ng mga tindera gamit ang test weight.

Kailangan umanong i-calibrate ang mga timbangan lalo na kung ito ay palaging nagagamit at luma na.

Ito ay bilang bahagi ng kampanya ni Mayor Lopez na bigyan ng tapat at maayos na pamilihan ang mga taga-Asingan.

Samantala pinaalalahanan muli ni Mayor Lopez ang mga taong bayan na bumili ng mga produktong karne ng baboy sa palengke, dahil walang kaso ng ASF ang Asingan.

Arya Asenso Asingan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top