Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

30 TAGA ASINGAN NAGTAPOS SA PANGASINAN MOBILE SKILLS TRAINING

Oct
11,
2019
Comments Off on 30 TAGA ASINGAN NAGTAPOS SA PANGASINAN MOBILE SKILLS TRAINING

30 TAGA ASINGAN NAGTAPOS SA PANGASINAN MOBILE SKILLS TRAINING;
68 TAONG GULANG NA LOLA, ISA NANG HAIRSTYLE GURU!

Pormal ng nagtapos ang nasa tatlumpong estudyante ng basic hairstyling sa ilalim ng Pangasinan Mobile Skills Training hatid ng Provincial Government of Pangasinan, Tesda Pangasinan at LGU Asingan.

Sa nasabing okasyon ay binigyan din sila ng tool kit na maari nilang magamit sa paninimula ng kanilang sariling mga negosyo.

Kasama naman sa nasabing mga gradweyt si lola Adelaida Rivera ng Barangay Dupac, aniya magagamit niya ang kanyang natutunan para sa posibleng pagtatayo niya ng negosyo at para din sa kanyang pamilya. Sabi ni lola Adelaida, wala sa edad kung pursigido ka talaga para sa iyong mga pangarap.

Sa mensahe naman ni Mayor Carlos Lopez Jr kanyang sinabi na malaking puhunan na ito upang makahanap ng mas maganda trabaho dito sa bansa lalo na sa abroad. Habang nakiisa din naman sa nasabing pagtatapos si Vice Mayor Heidee Chua

Maraming salamat po Governor Amado Espino III

Arya Asenso Asingan!

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top