Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

TALENTO NG MGA KABATAAN IBINIDA SA SELEBRASYON NG MUNICIPAL TOURISM MONTH

Sep
30,
2019
Comments Off on TALENTO NG MGA KABATAAN IBINIDA SA SELEBRASYON NG MUNICIPAL TOURISM MONTH

TALENTO NG MGA KABATAAN IBINIDA SA SELEBRASYON NG MUNICIPAL TOURISM MONTH; MGA NANALONG POSTER IDIDISPLAY SA MUNISIPYO

Carosucan Sur Elementary School at Ariston-Bantog National High School wagi sa kanya kanyang kategorya

Sa kakatapos na selebrasyon ng Municipal Toursim Month noong Biernes, ika-27 ng Setyembre sa Asingan Government Center aktibong nakilahok ang iba’t – ibang mga estudyante mula sa Elementary at High School para sa patimpalak sa poster making kaugnay sa tema ng pagdiriwang.

Sa elementary category nanalo bilang 1st Place ang mag aaral mula sa Carosucan Sur Elementary School, 2nd Place ang NRRESSC at 3rd place naman ang Carosucan Norte Elementary School. Sa High School naman ay ang Ariston Bantog NAtional High School ang nanalo bilang 1st Place, 2nd Place ang Angela Valdez National High School habang 3rd Place naman ang Eylim Christian Academy.

Ang mga di naman pinalad na mga nanalo ay binigyan din naman ng consolation prize.

Samantala inanunsiyo naman ni Mayor Carlos Lopez Jr. na ang mga nanalo sa patimpalak ay kukunin upang idisplay sa munisipyo upang makita at maipagmalaki ang kahusayan ng mga kabataang taga Asingan.

Ang naturang pagdiriwang na may temang “Tourism & Jobs: A better future for all”

Arya Asenso Asingan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top