Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

TATLONG TINAMAAN NG COVID 19 SA BAYAN NG ASINGAN, GUMALING NA

Oct
8,
2020
Comments Off on TATLONG TINAMAAN NG COVID 19 SA BAYAN NG ASINGAN, GUMALING NA

TATLONG TINAMAAN NG COVID 19 SA BAYAN NG ASINGAN, GUMALING NA
Nadagdagan ng tatlo (3) ang mga gumaling mula sa coronavirus disease (COVID-19) sa bayan ng Asingan ngayong araw, Oktuber 8.
Ang mga naturang pasyente ay mula sa barangay Domanpot, na ngayon ay fully recovered na.
“Yung tatlo mula sa barangay Domanpot tapos na yung 14 days mandatoy quarantine nila saka lumabas yung repeat swab nila noong saturday na negative pero kinumpleto pa rin namin yung quarantine na 14 days” ayon kay Municipal Health Officer, Dr. Ronnie Tomas.
Sa isinagawang contact tracing ay dalawampu’t tatlo (23) katao ang natukoy na close contacts ng mga pasyente. Sila ay isinailalim sa swab test kung saan NEGATIBO ang resulta.
Sa ngayon ay meron na lamang tatlong aktibong kaso ng COVID sa Asingan.
Si patient no. 14 ay kasalukuyang naka-home quarantine, si patient no. 15 ay nasa Urdaneta Sacred Heart Hospital at si patient no. 16 ay nagpapagaling naman sa Eastern Pangasinan District Hospital o EPDH.
NEGATIBO din ang resulta ng sinagawang swab test sa mga naging close contact ni patient no. 16 mula sa barangay Macalong, ayon sa Ilocos Training and Regional Medical Center o ITRMC.
Romel Aguilar / Rome Bagood

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top