Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PANUKALANG PRESYO NG APARTMENT TYPE NA MGA PUNTOD SA ASINGAN

Oct
8,
2020
Comments Off on PANUKALANG PRESYO NG APARTMENT TYPE NA MGA PUNTOD SA ASINGAN


PANUKALANG PRESYO NG APARTMENT TYPE NA MGA PUNTOD SA ASINGAN, IDADAAN SA PAGDINIG SA OKTUBRE 15
Napagkasunduan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Asingan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua na idaan sa pagdinig ang panukalang halaga ng apartment type na mga puntod.
Nakatakdang isagawa ang pagdinig sa Oktubre akinse (15).
“Gusto lang namin ipaalam sa mga tao na, o ito yung presyo. Mas maganda kasi kung maging accessible yung semeteryo para sa mga masa, kasi naipatayo yan hindi dahil para kumita ang munisipyo kundi para ma i-return lang ba and then we will built another [apartment type]”, pahayag ni Vice Mayor Chua.
Ayon sa Municipal Engineering Office, nasa P18, 000 ang halaga para sa mga matatanda, P10, 000 para sa mga bata, P4, 000 para sa mga sanggol at P2, 000 naman para sa colombarium.
Nasa halos tatlong daang unit (300) puntod ang pwedeng maibenta ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa mga kababayan.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top