Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

SM Savemore, ininspeksyon ng LGU Asingan

Jul
7,
2020
Comments Off on SM Savemore, ininspeksyon ng LGU Asingan

SM Savemore, ininspeksyon ng LGU Asingan bago buksan sa susunod na mga araw
Nagsagawa ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr
sa Save More, ngayong Martes ng umaga, bilang paghahanda para sa pagbubukas ng establishemento sa susunod na linggo.
Kasama sa mga napag-usapan ay ang re-routing plan para sa daloy ng mga sasakyan upang hindi magdulot ng trapiko, presyo ng mga bilihin at pati na rin ang kaligtasan ng mga mamimili.
Ipinaalala na dapat na sundin ang minimum health standard gaya ng social distancing, pagsusuot ng face masks, temperature check at disinfection measures tulad ng paglalagay alcohol at sanitizers sa kamay bago pumasok sa gusali.
Writer Akosi MarsRavelos
Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top