Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


FeaturedNews and Events

Bayan ng Asingan may karagdagang dalawang bagong ambulansiya

Jul
8,
2020
Comments Off on Bayan ng Asingan may karagdagang dalawang bagong ambulansiya

Bayan ng Asingan may karagdagang dalawang bagong ambulansiya; Mag asawang Congressman Agabas todo supporta sa ika-anim na distrito
Pormal ng tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Asingan buhat ng Department of Health (DOH)at sa tulong na rin ni 6th District Congressman Tyrone Agabas ang dalawang bagong ambulansiya.
“Itong ginagawa natin ngayon na pag-distribute ng mga ambulance ay bahagi ng ating health facility enhancement program ng gobyerno. Siyempre kailangan natin ito at ito ay parte rin ng mga iniatiative ng ating Congressman kasama ang DOH para mapalawig natin ang pagkakasatuparan sa ating batas na Universal Health Care Law. So kapag may ambulansiya may access ang bawat mamamayan sa oras ng emergency para madala sila sa mga hospitals na dapat nilang puntahan.” ayon kay Mar Wynn Bello, Assistant Regional Director ng Center for Health Development (DOH).
Lubos naman ang pasasalamat ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr
sa bagong modelong sasakyan ibinigay at ipinangako niyang hindi masasayang ang mga inaabot na tulong dahil tiniyak nitong pakikinabangan ang mga ambulansya ng mga taga Asingan.
“Kami po’y taos pusong nagpapasalamat sa kanila dahil po sa agarang aksyon doon sa ating ni-request na ambulance na matagal na po nating nirequest pero ni-reteirate ko po noong pag upo kong Mayor at nataon naman na nakalagay na noong 2019 sa GAA o General Appropriation Act ayon nabigyan tayo ng dalawa.” pahayag ng alkade.
“Ay nakapakasaya, this is a dream come true for Carosucan Sur three years na finollow follow-up namin kay Congresswoman Marlyn pa noon at Congressman Tyrone tapos noong naupo si Mayor Lopez ayan na. Talagang problema namin ang ambulance considering that Barangay Carosucan Sur
is very far from the town of Asingan 9 kilometers kaya napakasaya namin thank you sa mag asawang Congressman at Congresswoman Agabas” pahayag ni Punong Barangay Emmanuel Sapigao.
Writer Akosi MarsRavelos
Photo JC Aying
Cris P. Dotimas

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top