Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

SB ASINGAN, NAKILAHOK SA PAMANANG YAMAN, PRODUKTONG PANGASINAN CARAVAN

Nov
11,
2020
Comments Off on SB ASINGAN, NAKILAHOK SA PAMANANG YAMAN, PRODUKTONG PANGASINAN CARAVAN

SB ASINGAN, NAKILAHOK SA PAMANANG YAMAN, PRODUKTONG PANGASINAN CARAVAN
Dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang unang araw ng Pamanang Yaman, Produktong Pangasinan Caravan sa Asingan.
“Napakaganda nito para matulungan natin yung pagbangon ng ekonomiya ng ating probinsya, di lamang probinsya kundi bawat LGU kasi ang shino-showcase dito yung mga produkto ng bawat munisipalidad ng Pangasinan.” pahayag ni Vice Mayor Heidee Chua.
Ilan sa mga produktong maaaring mabili ay ang Calasiao Puto, Lingayen Bagoong at Patis, Bolinao Danggit, at Binmaley Bangus.
“At source, therefore mas mura kaya hinihikayat ko po lahat na sana makadalo sila at pumunta at makatulong na rin sa pagbangon ng ekonomiya ng ating bayan.” dagdag ni Vice Mayor Chua.
Nakiisa rin sa aktibidad ang mga dating miyembro ng SB Asingan na sina sina konse Dolores Tabin at konse Alain Chua Sindayen.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top