Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LIBRENG ONLINE LEARNING KITS, HANDOG NG SK DOMANPOT SA MGA COLLEGE STUDENT

Nov
10,
2020
Comments Off on LIBRENG ONLINE LEARNING KITS, HANDOG NG SK DOMANPOT SA MGA COLLEGE STUDENT

LIBRENG ONLINE LEARNING KITS, HANDOG NG SK DOMANPOT SA MGA COLLEGE STUDENT
Mamamahagi ng libreng online learning kits ang miyembro ng Sangguniang Kabataan ng Domampot sa Nobyembre 12, araw ng Huwebes.
Laman ng bawat kits ay laptop tables, bond papers at ballpens para sa mga college student ng Barangay Domanpot.
“Nagpurchase po ang Sangguniang Kabataan ng Domanpot ng school supplies. Ibibigay po namin ito sa mga college students meron din po kaming pinurchase na band paper saka ink para po maioffer din po namin ang free printing para sa kanilang modules.” pahayag ni Pamela Glydel Passay Padilla, SK Chairman ng Barangay Domanpot.
Ang Sangguniang Kabataan ng Domanpot ay naglaan din ng pondo pantulong sa mga kababayan sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
“Unang unang pinurchase namin is yung for relief goods then sumunod na pinurchase namin vitamins at saka mga hygiene kit, mga alcohol and then facemask na binigay namin sa mga resident ng domanpot pati na rin po yung for barangay council, domanpot community school at saka Pangasinan State University ganun din po yung budget ng SK naglaan po kami for the solar lights.” dagdag ni Padilla.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top