Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PROGRAMANG TUPAD NG DOLE, AARANGKADA NA SA BAYAN NG ASINGAN

Aug
8,
2023
Comments Off on PROGRAMANG TUPAD NG DOLE, AARANGKADA NA SA BAYAN NG ASINGAN
PROGRAMANG TUPAD NG DOLE, AARANGKADA NA SA BAYAN NG ASINGAN
Katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Asingan, sumailalim sa oryentasyon ang 757 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Atint Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD), ngayong Agosto 8, 2023.
Ang TUPAD ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Asingan.
Sa kanyang personal na pagdalo sa ginanap na oryentasyon, nagbigay pasasalamat si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kay Secretary Bienvenido Laguesma sa kanyang agarang aksyon sa kahilingan na magkaroon ng TUPAD sa bayan.
“Napakalaking pasasalamat, nakita natin kung gaano kasaya yung ating mga kababayan na naging recepient itong TUPAD program ng DOLE. Sinabi ko lang ano ang kukulangan sa ating bayan at ganyan ka generous ang ating Secretary. Alam niya kaagad kung ano yung maitutulong ng Department of Labor, trabaho kaagad ang offer sa atin,” pahayag ng alkalde.
Bawat benepisyaryo ay tatanggap ng P4,000 kapalit ng sampung araw na pagtatrabaho.
Nakatutok ang TUPAD program sa mga proyektong pang-komunidad tulad ng pag-aayos, paglilinis, at pagpapanatili ng mga pampublikong pasilidad.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top