Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Karagdagang Pondo Mula sa PCSO, Natanggap ng LGU Asingan

Aug
8,
2023
Comments Off on Karagdagang Pondo Mula sa PCSO, Natanggap ng LGU Asingan
Karagdagang Pondo Mula Sa PCSO, Natanggap ng LGU Asingan
Muling nabigyan ang lokal na pamahalaan ng Asingan ng karagdagang pondo mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nito lamang nakaraang linggo.
Ang cheke ay personal na tinanggap nina Municipal Senior Administrative Assistant IV Perforio Tendero at Municipal Treasurer Imelda Sison.
Ang ipinamahagi na karagdagang pondo ay galing sa limang porsyento (5%) na kinita ng PCSO sa lotto at Small Town Lottery (STL) proceeds mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.
Taos puso naman ang naging pasasalamat ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kay PCSO Chairman Jhunie Cua at sa ahensiya dahil sa pondong ibinahagi sa bayan.
“Naramdaman po namin sa aming bayang Asingan ang kanilang tulong, mula po nang ako po ay naupo bilang Mayor. Una sa lahat nakapag avail po tayo sa kanilang programa lalo na po yung pagbibigay nila ng wheelchair, gamot at yung ambulance po,” saad ng alkalde.
Mahigit apat na milyong piso ang kabuoan na pinaghatihatian ng mga bayan at lungsod sa Pangasinan.
Nanguna sa nasabing aktibidad sina PCSO Assistant General Manager for Branch Operations Sector Remeliza Jovita Gabuyo, Northern and Central Luzon Department Manager Josefina Sarsonas-Aguas, Pangasinan Branch Head Christopher Pacalso, Ilocos Sur Branch Head Elizabeth Posadas, La Union at Ilocos Norte Branch Head Lalaine Martos.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top