Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pinakamahabang Tulay Sa Rehiyon Uno, Napailawan Na

Feb
10,
2023
Comments Off on Pinakamahabang Tulay Sa Rehiyon Uno, Napailawan Na

 

 

Mahigit dalawang dekada ng walang gumaganang poste ng ilaw sa Narciso Ramos Bridge sa pagitan ng bayan ng Asingan at bayan ng Santa Maria.
Tanging liwanag lamang mula sa mga dumaraang sasakyan ang makikita na lubhang delikado.
“Mag mula noong nasira yung mga dating ilaw na nilagay ng DPWH, concern na talaga yan ng mga kababayan natin saka yung mga by passers. At mayroon tayong naging case dyan dati na nagkaroon ng accident because yung visibility ng sasakyan di nakikta sa gabi.” ani ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Kaya naman, nitong Disyembre 2022, sinimulan ng Alkalde ang pagsasaayos sa mga ilaw nito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga solar powered lights.
“The local government funded some amount para umpisahan and luckily salamat sa ating butihing congresswoman [Atty. Marlyn Primicias Agabas] at ganun din sa secretary ng DPWH na personal na ni request ni mam [Congresswoman Agabas] sa secretary ng DPWH at hindi pa tumagal ng isang buwan yan kumpleto na from Asingan to Santa Maria. ” pahayag ni Mayor Lopez Jr.
Ang Narciso Ramos Bridge ang itinuturing na pinakamahabang tulay sa rehiyon uno na may habang halos isa’t kalahating kilometro.
Ito ay pinagawa sa administrayon ni dating Pangulong Fidel Ramos noong October 1996.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top