Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

12th Provincial Health Summit and LGU Scorecard Awarding & Recognition

Feb
12,
2023
Comments Off on 12th Provincial Health Summit and LGU Scorecard Awarding & Recognition


??? ???????, ???????? ?? ???? ?????????? ?????? ?????? ????? ?? ?????? ?? ???????? ?????? ???????????? ?? ??? ????
Pinarangalan ang lokal na pamahalaan ng Asingan ng Green Banner Seal of Compliance (Finalist) para sa taong 2021 sa katatapos lamang 12th Provincial Health Summit & LGU Scorecard Awarding & Recognition na ginanap sa Sison Auditorium sa bayan ng Lingayen.
Ang Green Banner Seal of Compliance ay ibinibigay bilang pagkilala sa mga local government unit na mayroong mabisa at organisadong pagpapatupad ng mga programang pang-nutrisyon.
Habang naiuwi naman ni Nurse III Nita Lopez ang Most Outstanding Municipal Nutrition Action Officer (Finalist) para sa taong 2021.
Ang pagsugpo sa problema ng malnutrisyon sa bayan ng Asingan ay kabilang sa mga priority areas na binibigyan ng ibayong pansin ni Mayor Carlos Lopez Jr. katuwang ang Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Ronnie Tomas.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng feeding program, milk feeding program at pamimigay ng libreng multi vitamins para sa mga underweight children at day care pupils sa iba’t ibang barangay at katulong din ang mga Barangay Officials, Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Iginawad din ng Pangasinan Provincial Health Office ang LGU Scorecard Award sa bayan ng Asingan na naglalaman ng mga grado ng implementasyong serbisyong medikal ng mga health workers lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
Kabilang sa mga dumalo sina Councilor Marivic Robeniol na Committee on Health ng Sangguniang Bayan, Nurse II Marilou Torio at Municipal Senior Administrative Assistant III Mark Abella.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top