Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PAGGAWA NG MAKUKULAY NA MGA PASO

Nov
4,
2020
Comments Off on PAGGAWA NG MAKUKULAY NA MGA PASO


PAGGAWA NG MAKUKULAY NA MGA PASO, TAMPOK SA SKILLS TRAINING NG DSWD ASINGAN
Itinuro ang paggagawa ng iba’t ibang disenyo ng mga paso sa apat na araw na skills training program ng Municipal Social Welfare and Development Office o DSWD.

“With this noble activity nga naarimed yo this is very fortunate agyaman ak kadakayo you are not wasting your time imbes nga tsismis ti inaramed yo nagaramed kayo ti napintas nga paso which will be displayed sa ating Public Market tuno biyernes mangiyapanak ti maysa nga lamisaan ta idisplay tayo dagitoy [paso] product yo” ani ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Nasa apatnapu’t dalawang katao mula sa Person with Disability (PWD), Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), Solo Parent, STAC Parents at Senior Citizens, ang nagsipagtapos sa nasabing programa.
“Salamat po sa panibagong pangkabuhayan namin para sa aming pamilya. Sana po’y makatulong sa aming mga anak ito” pahayag ni Rosario Astudillo, isang Solo Parent.
Dumalo din sa graduation ceremony ang ilan sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Asingan.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top