Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

FARM TO MARKET ROAD NG ARISTON EAST, SINIMULAN NA

Nov
5,
2020
Comments Off on FARM TO MARKET ROAD NG ARISTON EAST, SINIMULAN NA


FARM TO MARKET ROAD NG ARISTON EAST, SINIMULAN NA; KALSADA SA ZONE 6 -7 NG BARANGAY CALEPAAN, TAPOS NA
Ininspeksyon ngayong umaga ni lodi Mayor Carlos Lopez ang development ng ginagawang local access road o mas kilala sa tawag na Farm to Market Road sa barangay Ariston East.
“Sa mga magsasaka natin para hindi na rin sila iikot doon papuntang Pao [San Manuel] atleast dito direcho na sila papunta sa Ariston East then ito at the same time gagawing bilagan ng palay at hindi na iikot para lang maideliver ang kanilang mga produkto” ani ni Mayor Lopez.
Sunod naman niya na binisita ang barangay Calepaan upang bisitahin ang natapos na kalsada na magdudugtong sa Zone 6 at Zone 7.
“Ito yung hiningi natin kay Congressman Estrella ng ABONO Partylist na kung saan yan yung kompromiso namin ni Vice Mayor last election na sementuhin yung daanan ng kabahayan. Pasalamat tayo kina Congressman Tyrone, Congressman Estrella ng ABONO Partylist , mga iba’t ibang partylist na nagbibigay sa atin ng mga proyekto ganun din Governor Pogi” dagdag ng alkalde.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top