Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Paalala mula sa Asingan Water District

Aug
22,
2020
Comments Off on Paalala mula sa Asingan Water District

Paalala mula sa Asingan Water District:
Magsasagawa ang Asingan Water District ng maintenance activity sa Pumping Station number 4 sa barangay Toboy upang patuloy na mapabuti ang serbisyo sa Barangay Sobol, Bobonan, Coldit, Calepaan at Palaris.
Kinakailangan patayin ang main control ng Pumping Station number 4 mula alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw upang maging mas maayos ang distribusyon ng tubig sa sinasakupan nito.
Maalala na noong Huwebes ng hapon ay nagkaroon ng bahagyang pagbaba ng suplay ng tubig sa kadahilanang tinaman ng kidlat ang linya ng main control.
“May diperensya sa VFD namin o Variable Frequency Drive, yun po ang may problema. Yun po kasi ang kumontrol sa motor namin tinamaan po siya ng kidlat kaya ganun po.” ayon kay Ricardo Raymundo, Water Resources Facilities Operator ng Asingan Water District.
Samantala, tiniyak ng Asingan Water District na sapat ang suplay ng tubig.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top