Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Irigasyon, pinaka sanhi ng pagbaha sa tatlong barangay sa Asingan

Aug
22,
2020
Comments Off on Irigasyon, pinaka sanhi ng pagbaha sa tatlong barangay sa Asingan


Irigasyon, pinaka sanhi ng pagbaha sa tatlong barangay sa Asingan
Huwebes ng tanghali ay binisita ni Mayor Carlos Lopez Jr kasama ang mga tauhan ng Engineering department ng munisipyo ang Barangay San Vicente East upang magsagawa ng inspeksyon sa irigasyon. Ito ay matapos makaranas ng pagbabaha sa ilang bahagi ng Asingan.
Ayon sa alkalde, hindi kayang makontrol ang dami ng tubig na napupunta sa kanal sa Poblacion area lalo na sa Macalong.
Sa inspeksyon, napansin na ang irigasyon pala ang pinakasanhi ng pagbaha taliwas sa unang sinisisi na sira ng irrigation canal sa Macalong.
“Ito [ Irigasyon sa San Vicente East] pala ang malaking contributor ng tubig mula dito para mabaha ang Zone 1 ng Macalong, mabaha ang Domanpot at mabaha ang Poblacion” pahayag ng alkalde.
Sunod naman na pinuntahan ni Mayor Lopez ang Barangay Cabacaraan, San Manuel.
“Ang laki pala ng volume ng tubig, tatlong canal pala ang naka divert nanggagaling ng Cabacaraan eh siyempre kung tubig ulan plus tubig ng irigasyon eh talagang aapaw tayo sa Asingan” saad ni Mayor Lopez.
Ngayong lunes nakatakdang bibisitahin ng alkade ang National Irrigation Administration o NIA upang maaksyunan ang suliranin na naging dahilan ng pagbaha.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top