Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Negosyo Center para sa 1.200 PWD ng Asingan, Pangasinan

Nov
10,
2023
Comments Off on Negosyo Center para sa 1.200 PWD ng Asingan, Pangasinan
Negosyo Center para sa 1.200 PWD ng Asingan, Pangasinan
Pinasinayaan nitong Martes ang bagong dalawang palapag na gusali ng Sheltered Workshop for Older Persons and Persons with Disabilities sa bayan ng Asingan.
Layon ng proyekto na magkaroon ng maayos at maluwag espasyo na pagdarausan ng iba’t ibang skills training para sa halos isanlibo at dalawandaang rehistradong miyembro ng Asingan Federation of Person’s with Disability.
Bukod sa mga pagsasanay ay dito rin nakalagay ang kanilang produkto gaya ng mango vinegar, digital printing (t-shirt, mug, stickers), boneless bangus, tinapang bangus, paso, kandila, doormat at marami pang iba.
Dumalo sa inagurasyon at blessing sina Mayor Carlos Lopez Jr. , Vice Mayor Heidee Chua, Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Councilor Joselito Viray, mga staff ng MSWD, miyembro at presidente ng PWDs mula sa dalawamput isang barangay sa bayan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top