Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MGA SENIOR CITIZEN, BUNTIS AT PWD NG BARANGAY CABALITIAN, CALEPAAN AT BOBONAN PRAYORIDAD NGAYONG LINGGO

Aug
15,
2021
Comments Off on MGA SENIOR CITIZEN, BUNTIS AT PWD NG BARANGAY CABALITIAN, CALEPAAN AT BOBONAN PRAYORIDAD NGAYONG LINGGO
MGA SENIOR CITIZEN, BUNTIS AT PWD NG BARANGAY CABALITIAN, CALEPAAN AT BOBONAN PRAYORIDAD NGAYONG LINGGO
Ngayong Lunes August 16 hanggang August 22 ay uunahin ng Philippine Identification System (Philsys) Asingan na bigyan ng priority lane para sa rehistrasyon ng Step 1 at Step 2 ang mga Senior Citizen, Persons with Disabilities (PWD) at mga buntis mula sa Barangay Calepaan [August 16-17]; Bobonan [August 18-August 19] at Cabalitian [August 20-August 21].
Bawat Linggo ay nasa tatlong barangay ang mabibigayan ng prayoridad upang maiayos ang kanilang rehistrayon ng Step 1 at Step 2 ng National ID.
“Kukuha muna sila ng number doon sa barangay (Barangay Secretary) nila kasi yun na po yung basis namin na galing sila sa barangay na yun, pag walang pirma po ng secretary hindi po natin ica-cater.” saad ni Jessica Mariano, Supervisor ng PhilSys Asingan.
Sa datos na inilabas ng Philippine Identification System (PhilSys) nitong Hulyo 2021 ay umabot na sa 1,022,563 na piraso ng Philippine Identification (PhilID) ang naipamahagi sa buong Pilipinas.
Para naman sa mga residente ng Asingan na nagbabalak na magparehistro online ng step 1 sa buwan na ng Oktubre muli itong magbubukas sa kadahilanang puno ang mga schedule hanggang Setyembre.
Romel Aguilar / Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top