Mga Kandidato para sa BSKE 2023 sa Bayan ng Asingan, Umabot sa Halos Isanlibo
Natapos na nitong sabado ang last day ng filling ng certificate of candidacy (COC) para sa Barangay and SK Elections (BSKE) 2023.
Ito na ang pinamaraming bilang sa kasaysayan ng COMELEC Asingan na tatakbo sa nalalapit na eleksyon ayon yan kay Election Officer III Leny Manangan-Masaoy ng Commission on Elections (COMELEC) Asingan.
917 ang kabuuang bilang ng kandidatong naghain ng COC simula nitong August 28.
“Dahil siguro sa ang alam naming factor niyan, isa yung postpone ng postpone talagang maraming gusto na talagang matuloy ang barangay election. Maraming din ang ibang gustong umupong bilang barangay officials, kahit na umuulan pumipila.” pahayag ni Masaoy.
67 sa mga ito ay tatakbo bilang Punong Barangay, habang 455 ang nais maging Barangay Kagawad.
61 naman ang nangangarap maging Sangguniang Kabataan Chairman at 334 sa Sangguniang Kabataan Kagawad.
Dagdag pa ni Masaoy, na lahat ng nagsumite ng kanilang COC ay awtomatikong itinuturing nang opisyal na kandidato, at maaring sampahan ng reklamong premature campaigning at disqualification sakaling lumabag.
“Pagpopost sa social media number one bawal yun, number two syempre yung pagho-house to house at saka yung iba may nagpopost na rin ng tarp diyan kahit na walang “vote” pre mature campaigning pa rin yun kasi they are considered as candidate na upon filling.” ani ni Masaoy.
Ang sinumang mapapatunayang lumabag ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon at hindi na pwedeng humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Magsisimula ang campaign period sa Oktubre 19 hanggang 28.