Higit 300 Indibidwal, Naghain na ng COC Para sa BSKE 2023
Umabot sa 323 indibidwal ang nakapaghain na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa darating na Barangay at SK Election.
29 sa mga ito ay tatakbo bilang Punong Barangay, habang 184 ang nais maging Barangay Kagawad.
19 naman ang nangangarap maging Sanguniang Kabataan Chairman at 91 sa Sangguniang Kabataan Kagawad.
Ayon kay Election Officer III Leny Manangan-Masaoy ng Commission on Elections (COMELEC) Asingan, bagama’t dagsa ang mga tao na naghain ng COC ay maayos naman na naidaos ang unang araw.
“So far ok naman, masasaya ang mga aspirant. Usually talaga ang mga aspirant first day nagpapasa lalong lalong na ngayon yung date daw na 28 pataas – swerte day ganun,” pagbabahagi ni Masaoay.
Inaasahan naman ng COMELEC na habang papalapit ang huling araw ng paghahain ng kandidatura ay mas dadagsain ang nais mag-file ng COC sa kanilang tanggapan.
“Pag marami pang mag fa-file sa last day ayon sa guidline namin, magpapalista na ng mga andyan sa harap na. And then kukunin namin yung form tatawagin na lang sila isa-isa, yung iba kasi kasi may mga trabaho pa kaya mag ra-rush sila sa Saturday,” pahayag ni Masaoy.
Kaya paalala ng COMELEC sa mga nagbabalak na sumabak sa halalan ay huwag nang hintayin ang huling araw ng filing ng COC para iwas aberya.
“Paalala lang po sa mga aspirant natin bago sila pumunta dit,o see to it na ang kanilang COC eh filled up siya. Lahat ng entry dapat may sagot kasi hindi namin tinatanggap pag may vacant, if ever na hindi available lagyan na lang ng N/A para hindi na sila maabala dito,” abiso ni Masaoay.
Magtatagal ang filing ng COC hanggang alas singko ng hapon araw ng Sabado, Setyembre 2.