Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MGA COLORUM DRAYBERS BINIGYAN NG ULTIMATUM

Oct
18,
2019
Comments Off on MGA COLORUM DRAYBERS BINIGYAN NG ULTIMATUM

MGA COLORUM DRAYBERS BINIGYAN NG ULTIMATUM HANGGANG DECEMBER 2 PARA MAIAYOS ANG PRANGKISA; LODI MAYOR LOPEZ MAGSASAGAWA NG DRUG TEST SA MGA TRAYSEKEL DRAYBER.

Humigit-kumulang na pitongpu (70) na traysikel na walang prangkisa ang araw araw na pumapasada sa Asingan.
Dahil dito sa katatapos na Public Hearing na isinagawa ng Committee on Public Works, Public Utilies and Facilties ni Konse Mel Franada Lopez ng Sangguniang Bayan sa pangunguna Vice Mayor Heidee Chua ay binigyan na ng ultimatum ang mga colorum na traysikel driver ng hanggang Disyembre a-dos upang makumpleto ang kani-kanilang prangkisa.

Ang di pagsunod sa nasabing utos ay maaring mapatawan sa pinakamataas na parusa na kanselasyon ng drivers license at ng rehistrayon ng mga motorsiklo.

Habang sinasagawa naman ang distribusyon ng uniform ng mga presidente ng mga TODA sa Asingan nagbigay ng paalala at babala rin si Mayor Carlos Lopez Jr na magsasagawa siya drug test sa mga kabaro nila na mga drayber.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top