Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU Asingan 2019 Seal of Good Local Governance (SGLG) Awardee

Oct
17,
2019
Comments Off on LGU Asingan 2019 Seal of Good Local Governance (SGLG) Awardee


Mabuhay! Lokal na Pamahalaan ng Asingan! 2019 Seal of Good Local Governance (SGLG) Awardee.

Isa sa dalawampu’t isa “LAMANG” na munisipyo sa Pangasinan na nabigyan ng SGLG. Ang isa sa pinaka-prestihiyosong parangal na maaaring matanggap ng gobyerno na isang marka ng mabuting pamamahala nito.

Mabuhay kang tunay pinagpalang bayan!
Arya Asenso Asingan!

Ito ay malaking patunay na tayo ay sumusunod sa mga itinakda ng batas upang mas mai-angat ang kalidad ng ating serbisyo publiko.

Ang SGLG, na nagsimula sa Seal of Good Housekeeping (SGH) program noong 2010, ay nilikha upang himukin ang mga opisyal ng mga pamahalaang lokal na ipagpatuloy ang kanilang mabuting pamamahala habang nagkakaloob ng mahusay na serbisyo. Ipatutupad ito taun-taon sa lahat ng lalawigan, lungsod, at munisipalidad. Ang DILG, kasama ang partner organizations, ay pipili ng mga kuwalipikadong local government unit (LGU) simula sa third quarter ng taon at idaraos ang parangal sa Oktubre ng bawat taon.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top