Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MGA BAGONG PATROL VEHICLES, ITINURN-OVER NG LGU ASINGAN SA BARANGAY POBLACION WEST AT CABALITIAN

Sep
24,
2020
Comments Off on MGA BAGONG PATROL VEHICLES, ITINURN-OVER NG LGU ASINGAN SA BARANGAY POBLACION WEST AT CABALITIAN

MGA BAGONG PATROL VEHICLES, ITINURN-OVER NG LGU ASINGAN SA BARANGAY POBLACION WEST AT CABALITIAN
Upang mapalakas at mapabuti pa ang serbisyo ng mga opisyales sa kanilang nasasakupan ay namigay ng bagong patrol vehicles si lodi Mayor Carlos Lopez Jr kasama si Konsehal Jesus Pico, sa Asingan.
Nabigyan ng mga patrol vehicles ay ang mga Barangay ng Poblacion West at Barangay Cabalitian.
“Itong multi-purpose tricycle gagamitin nila pangkolekta ng basura at the same time sa gabi pwede nilang gawin pagpatrol sa kanilang respective barangay at gawin na rin transport pagpumunta sila sa bayan”, pahayag ng alkalde.
Nangako naman si Mayor Lopez Jr. na ang lahat ng mga barangay ay mabibigyan ng multi-purpose tricycle sa kanyang termino.
Laking pasasalamat naman ng mga Barangay Council sa lokal na pamahalaan ng Asingan dahil malaking tulong anya sa kanila ang nasabing patrol vehicles.
“Kay Mayor maraming salamat kasi wala kaming patrol kahit isa ngayon lang, nahihirapan kaming nagpapatrolya lalo na sa gabi saka magamit din namin kung may kailangan na puntahan”, pahayag ni Punong Barangay Nelio Silvestre ng Poblacion West.
Romel Aguilar / Rome Bagood

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top