Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

INDIGENT SENIOR CITIZENS NG BAWAT BARANGAY MAKAKATANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA LGU ASINGAN

Sep
24,
2020
Comments Off on INDIGENT SENIOR CITIZENS NG BAWAT BARANGAY MAKAKATANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA LGU ASINGAN


INDIGENT SENIOR CITIZENS NG BAWAT BARANGAY MAKAKATANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN NG ASINGAN
Sisimulan na ngayong Oktobre ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang pamimigay ng financial assistance para sa mga indigent senior citizen.
Nilinaw naman ni Mayor Carlos Lopez Jr na hindi kasama sa mabibigyan ang mga senior citizen na tumatanggap na ng pension mula sa ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng Social Security System o SSS.
“Meneting na natin yung committee na magdidisguish sa mga senior citizen na qualified para sa financial assistance na ibibigay ng LGU, kailangan may indigent certificate kasi lima kada isang barangay na senior citizen ang mabibigyan” pahayag ni Mayor Lopez Jr.
Nasa limangpu na senior citizen mula sa bawat barangay ang mabibigyan ng tig lilimangdaan peso (P500) bilang tulong ng lokal na pamahalaan.
“Supposedly January sana pero na delay yung approval niya ng ordinansa, so february na lumabas yung certification sa panlalawigan na for releasing. Due to covid naman kaya naantala din po yung pagdistribute nitong financial assistants sa ating mga selected indigent senior citizens” ayon kay Councilor Marivic Salagubang Robeniol, Chairman Committee on Senior Citizens.
Ayon sa ordinansa, sa bawat barangay ay limang senior citizen ang makakatangap kada buwan at panibagong lima uli sa susunod.
Narito ang skedyul ng bawat barangay na mabibigyan ng tulong pinansyal para sa mga senior citizen.
Oct. 6 – Ariston East, Ariston West, Bantog
Oct. 7 – Poblacion East, Dupac, San Vicente East
Oct. 8 – San Vicente West, Toboy, Sobol
Oct. 9 – Bobonan, Coldit, Calepaan, Palaris
Oct. 13- Macalong, Domanpot, Poblacion West
Oct. 14- Baro, Sanchez, Cabalitian
Oct. 15- Carosucan Norte, Carosusan Sur
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top