Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MAS MAGANDANG RAMOS-SHAHANI LIBRARY, BUKAS NA SA PUBLIKO

Jan
8,
2021
Comments Off on MAS MAGANDANG RAMOS-SHAHANI LIBRARY, BUKAS NA SA PUBLIKO


MAS MAGANDANG RAMOS-SHAHANI LIBRARY, BUKAS NA SA PUBLIKO
Ngayong taon ay muling nang magagamit ng mga kababayan ang bagong renovate na Sen. Leticia Ramos-Shahani Municipal Library.
Maalala na noong Setyembre ng nakalipas na taon nang simulang kumpunihin at ayusin ang ilan sa mga nasirang mga parte ng pasilidad.
“Ngayon we welcome them na ready na uli si library mag-accomodate ng kliyente possible on research. Air condition na siya, free wifi, comfortable cr at meron na tayong 5 computers for public use then meron tayong area for reading” pahayag ni Kima Sirot RL, Librarian 1 ng Sen. Leticia Ramos-Shahani Municipal Library.
Ang Sen. Leticia Ramos-Shahani Municipal Library ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Matatagpuan ito sa tabi ng BFP Headquarters, gilid ng munisipyo.
“Kung possible, gusto nila mag-donate ng old books, even old toys for children’s library we will accept or tv. Being librarian, andito rin ako para mag assist sa kanila in information” dagdag ni Sirot.
Pinasalamatan ni Sirot sina Mayor Carlos Lopez Jr, Vice Mayor Heidee Chua at dating Board Member Ranjit R. Shahani nang maisakatuparan ang ganitong mga proyekto ng silid aklatan.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top