Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

ASINGAN, MAY 6 NA AKTIBONG KASO NG COVID-19

Jan
8,
2021
Comments Off on ASINGAN, MAY 6 NA AKTIBONG KASO NG COVID-19

ASINGAN, MAY 6 NA AKTIBONG KASO NG COVID-19
Sa datos na inilabas ng Provincial Health Office, may anim na aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Asingan.
Sa rekord, nagpositibo sa virus ang 88 anyos na lalaki mula sa barangay Baro. Siya ang tinuturing na ngayon sa Asingan na pinakamatandang pasyente na nagpositibo sa virus at pang 33 kaso ng COVID-19.
Si Patient No. 32 ay 51-anyos na babae mula sa Barangay Domanpot. Mula naman sa Barangay Bantog si Patient No. 31, isang 34-anyos na lalaki. Ang pang 30 kaso naman ay ang 25 anyos na lalaki mula sa Barangay Domanpot. Isang 87 anyos na babae si Patient No. 29 at 52-anyos na babae naman si Patient No. 28, pawang taga Barangay Poblacion East.
Patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko at pinapayuhang sundin ang minimum public health standards. Bagamat ang bayan ay nasa MGCQ , pinapaalalahanan ang publiko na lumabas lamang ng tahanan kung kinakailangan. Lubos na pag iingat lalo na ngayon ang kailangan para mapangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilya.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top