Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Dr. Crispin Villanueva, bagong AKFEC Chairman

Sep
16,
2019
Comments Off on Dr. Crispin Villanueva, bagong AKFEC Chairman

Dr. Crispin Villanueva, bagong AKFEC Chairman; Street Dance gagawing bongga! Mga taga-Abroad bibida sa Town Fiesta; Mga panggabing aktibitad dapat 8PM tapos na!

Sa katatapos lamang na meeting ng Asingan Kankanen Festival,pinag usapan ang mga aktibidad para sa
nalalapit na Town fiesta. Muling naman ibabalik ang ningning ng Street Dance kung saan ang iba’t ibang mga eskwelahan kasama ang Pangasinan State University ay sasali, maging ang mga papremyo ay inaasahang magiging malaki.

Habang ang mga kababayan naman mula sa abroad sesentro ang 2020 Mrs. Asingan, kung saan magpapasiklaban ang mga kababayan natin mula USA, Europe, Canada, Asia at marami pang iba.

Pinaalala naman ni Mayor Carlos Lopez Jr na dapat maagang matapos ang mga aktibidad sa gabi ng pyesta, kung maari ay 8PM pa lang ay tapos na upang huwag mapuyat ang mga tao.

Magiging kapanapanabik ang susunod na Ginoo at Mutya ng Asingan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua kung saan labing limang mga sector ang sasali.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top