Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Breaking News: World War 2 na mga bala at granada nahukay

Sep
14,
2019
Comments Off on Breaking News: World War 2 na mga bala at granada nahukay

Breaking News: World War 2 na mga bala at granada nahukay. Isa sa mga pampasabog kayang magpataob ng isang kotse!

“Magtanim ay di biro..”

Sa ulat ng PNP Asingan, nakakuha umano sila ng hindi bababa sa limampung piraso ng vintage na bala at pampasabog sa Sitio Panagidan, Barangay Baro sabado ng umaga.

Ayon kay Rico Marquez dalawangpu’t isang taong gulang dakong alas 7:30 ng umaga habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagtatanim ay aksidente niyang tinamaan ang isang metal na bagay. “Nagtataka ako bakit iba yung tunog, dahan dahan ko na tinamaan bala at pangpasabog na pala” sabi Rico.

Ayon sa mga residente dati umanong naging lagusan ang nasabing lugar ng pwersang Amerikano papuntang Nueva Ecija noong World War II.

Sa pag iimbestiga naman ni PPSG Explosive Ordnance Division Technician Rodel Velicaria ang mga nasabing pampasabog ay ginagamit ng “Engineering Brigade” para sa pag quarry ng mga lupa na dinadaanan ng mga sasakyan ng mga Amerikano noong World War II.

Muling pinapaalalahanan ng Asingan PNP ang mga kababayan na agad na makipagtulungan sa kanila opisina kung sakaling may katulad na ganitong insidente upang walang maaksidente.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top