Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

BARANGAY CAROSUCAN NORTE AT BARANGAY MACALONG, NAKATANGGAP NG BAGONG KULIGLIG

Dec
10,
2020
Comments Off on BARANGAY CAROSUCAN NORTE AT BARANGAY MACALONG, NAKATANGGAP NG BAGONG KULIGLIG

BARANGAY CAROSUCAN NORTE AT BARANGAY MACALONG, NAKATANGGAP NG BAGONG KULIGLIG MULA KAY LODI MAYOR LOPEZ
Pormal na ipinagkaloob nitong umaga ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang tag isang bagong kuliglig para sa barangay Carorsucan Norte at Barangay Macalong.
“Ito yung programa natin sa solid waste kung saan hinihikayat natin lahat ng barangay na i-active nila yung kanilang Solid Waste Management Team at ito’y gagamitin nila para panghakot ng mga residuals. Yung mga nabubulok maiiwan sa may-ari pero yung hindi nabubulok kukunin ng barangay.” pahayag ng alkalde.
Ang kuliglig ay magagamit din bilang multi-purpose vehicle ng dalawang barangay.
“At the same time, pwede ring gamitin sa barangay gaya ng mga activities nila na panghakot ng mga tao, pwede rin pang patrolya, pwede rin gamitin ng mga CVOs, para ma-maintain natin ang visibility ng mga barangay officials ito karagdagang gamit na naman para sa kanila” dagdag ni Mayor Lopez.
Romel Aguilar / JC aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top