Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Balikbayan kumpirmado sa Covid 19, Lockdown sa Barangay Coldit

Mar
28,
2020
Comments Off on Balikbayan kumpirmado sa Covid 19, Lockdown sa Barangay Coldit

Bumisitang balikbayan na taga Asingan, kumpirmado sa Covid 19; Lockdown sa Barangay Coldit, pinatupad ngayong araw.
Kinalungkot ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr ang kumpirmasyon ng kauna-unahang kaso ng Covid 19 dito sa ating bayan. Siya ay residente ng Barangay Coldit na kahapon lang ng gabi bumisita sa nasabing lugar.
Ayon sa lumabas na ulat ay hindi siya dito sa bayan ng Asingan naglagi.
Kamakailan ay lumabas ang resulta ng kanyang pinatest na throat swabs sa Department of Health-Research Institute for Tropical Medicine (DOH-RITM) kung saan ito nga ay naging positibo sa Covid 19.
Mahigpit na minomonitor ng health authorities ang kalagayan nito at nasa stable condition.
Nananawagan ang LGU Asingan sa ating mga kababayan na maging mahinahon at makiisa sa pag iingat laban sa Covid 19.
Sama sama nating haharapin at lalampasan ang pagsubok na ito sa ating bayan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top