Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

17 katao na nagtangkang pumuslit palabas ng barangay Coldit

Mar
29,
2020
Comments Off on 17 katao na nagtangkang pumuslit palabas ng barangay Coldit


17 katao na nagtangkang pumuslit palabas ng barangay Coldit, di pinalusot; Mga checkpoints mas hinigpitan pa.
Isang araw makatapos ideklarang total lockdown, nasa labing pitong katao ang naireport na naharang papalabas ng barangay Coldit ng mga tauhan ng Barangay San Vicente West sa pangunguna ni Punong Barangay Julio Dayag.
Ang ilan pa sa nahuli ay sa mismong kabukiran pa dumaan upang huwag mahalata, agad naman pinabalik ang mga nahuli.
Samantala lalong hinigpitan ang mga isinasagawang checkpoints sa iba’t ibang parte ng Asingan, kabilang na dito ang Barangay Bobonan at Barangay Toboy kung saan nagsagawa na rin sila ng kanya kanyang barikada katuwang ang mga tauhan ng PNP Asingan, upang lalong mabantayan ang mga magtatangkang papasok at lalabas ng barangay Coldit . Nagsagawa naman ang barangay Bobonan ng pagdidisinfect kaninang umaga sa kanilang nasasakupan
Pinapayagan naman tumanggap ng mga padala ang mga taga Coldit ngunit hanggang checkpoint lamang. Kasabay nito’y, humingi ng pang-unawa ang otoridad mula sa publiko dahil sa paghihigpit.
JC Aying Akosi MarsRavelos

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top