Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

๐๐Ÿ’.๐Ÿ๐Œ, ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐๐’๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐€๐†๐‘๐ˆ๐Š๐”๐‹๐“๐”๐‘๐€

Oct
14,
2021
Comments Off on ๐๐Ÿ’.๐Ÿ๐Œ, ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐๐’๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐€๐†๐‘๐ˆ๐Š๐”๐‹๐“๐”๐‘๐€
๐๐Ÿ’.๐Ÿ๐Œ, ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐๐’๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐€๐†๐‘๐ˆ๐Š๐”๐‹๐“๐”๐‘๐€ ๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐˜๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†๐˜๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐€๐’๐ˆ๐๐†๐€๐
Hindi na naisalba ng limangpu’t apat na gulang na magsasaka na si Jolly Tejada ang isa sa dalawa niyang alagang baka matapos malunod dahil na rin sa mabilis na pagtaas ng tubig sa Agno River bunsod na rin ng pagbuhos ng malakas na ulan dala ni bagyong Maring .
“Ang alam ko hindi tataas ang tubig eh, pagpunta ko ng madaling araw malalim na ang tubig nakita ko patay na siya.” kwento ni Tejada.
Sa paunang datos na isinumite ng Department of Agriculture Asingan sa Office of the Provincial Agriculturist ay umabot na sa apat na milyon at dalawandaang libo ang halaga ng pinsala mula sa produksyon ng palay,mais, gulay at livestock.
Ayon kay Municipal Agriculturist Ernesto Pascual, nasa dalawandaan at sampung tonelada ang hindi na mapapakinabangan at siento porsyento ng mga ito ay nasa flowering stage.
“Mabibigyan sila ng pamalit, kung sa rice meron tayong binhi at saka kung sila ay naka insured sa Philippine Crop Insurance Corporation pwede silang magfile ng notice of loss para mabigyan sila ng kaukulang insurance sa kanilang pananim.” ani ni Pascual
Sa ngayon ay nasa dalawang libo dalawang daan (2,200) pa lang mula sa apatnalibo siyam na raang (4,900) na mga magsasaka ang nakakumpleto sa requirement ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
“Sa ngayon marami pang hindi pa nakaregisted sa RSBSA, dapat magparehistro para makamit nila yung mga programa ng Agriculture na libre.
Yung dating hinihingi namin na xerox sa copy ng land title kahit na wala na po, kung meron kayong kasulatan between landlord and tenant pwede na rin yun at saka certification from the barangay captain na kayo talaga ang tenant doon.” dagdag ni Pascual

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top