Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐋𝐄𝐌𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐄𝐍𝐆𝐊𝐄 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆 𝐔𝐋𝐀𝐍, 𝐓𝐈𝐍𝐔𝐓𝐔𝐊𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐆𝐔 𝐀𝐒𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍

May
28,
2022
Comments Off on 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐋𝐄𝐌𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐄𝐍𝐆𝐊𝐄 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆 𝐔𝐋𝐀𝐍, 𝐓𝐈𝐍𝐔𝐓𝐔𝐊𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐆𝐔 𝐀𝐒𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍

 

𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐋𝐄𝐌𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐄𝐍𝐆𝐊𝐄 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆 𝐔𝐋𝐀𝐍, 𝐓𝐈𝐍𝐔𝐓𝐔𝐊𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐆𝐔 𝐀𝐒𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍
Sa muling pagbisita ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa pamilihang bayan nito lamang miyerkules ay ininspeksyon nito ang pasilidad sa loob at labas ng palengke sa gitna na rin ng pagpasok ng tag ulan.
“May mga kababayan tayong idinulog sa aking opisina na may mga tulo yung mga alulod natin. Kaya siyempre agarang askyunan natin yan kasi kawawa naman yung mga natatapatan nasisira yung kanilang mga benta dito sa palengke. So agarang aayusin yan ni sir Alex Torio para atleast maayos naman yung lugar na pinagbebentahan ng ating mga kababayan.” paliwanang ng alkalde.
Malaking bagay ito para apatnapu’t anim na taong gulang na tindera ng gulay na si nanay Janette.
Isa kasi siya sa mga apektado sa tuwing tumutulo ang tubig mula sa butas na bubong ng palengke.
“Nababasa po yung mga paninda ko lagi pag umuulan kaya ang ginagawa ko na sinasara ko lang” pahayag ni nanay Janette.
Kabilang din sa kasama sa inspeksyon ang mga tauhan ng Municipal Engineering Office at Municipal Economic Enterprise.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top