Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

???? ?????? ??????????, ????????? ?? ??? ??????? ?????? ?????????? ?? ????????? ?? ???????? ????????

May
26,
2022
Comments Off on ???? ?????? ??????????, ????????? ?? ??? ??????? ?????? ?????????? ?? ????????? ?? ???????? ????????

???? ?????? ??????????, ????????? ?? ??? ??????? ?????? ?????????? ?? ????????? ?? ???????? ????????
Nagsagawa ngayong araw ang Bureau of Fire Protection (BFP)- Asingan sa pamumuno ni Municipal Fire Marshall SFO4 Nerissa Montero-Bruan ng inspeksyon sa mga nakatayong baratilyo, rides ng karnabal at ilang mga food Strip bilang preparasyon sa nalalapit na pagdiriwang sa Kankanen Festival.
“Yung pinakaconcern namin talaga doon is yung fire safety tapos sinisingit na rin namin yung mga tips at preparedness, just incase magkaroon ng mga fire incident doon sa area.” ani ni John Michael Benito, Fire Officer II ng BFP Asingan.
Sinang ayunan naman ng dalawampung taong gulang na namumuhunan sa loob ng foodstrip na si Stephanie Mariano ang isinigawang inspeksyon lalo na”t papalapit na ang taunang Kankanen Festival.
Tiniyak naman Senior Fire Officer I Roseli Bernal na sila ay naka monitor sa town fiesta na gaganapin ngayong June 2 hanggang June 4 na maglalagay sila ng booth sa harapan ng Asingan Fire Station.
“Kasi kami nakatoka din kami sa emergency response pagka may mga incidents diyan sa loob ng piyestahan lagi naman kaming handa na tumulong just incase na kailangan nila kami.” ani ni Senior Fire Officer I Bernal.
Kabilang rin sa nag-inspeksyon ay sina SFO3 Froilan Esperon, Chief ng Fire Safety Enforcement Section (FSES) at Fire Officer 1 Jay-son Enriquez.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top