Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Women Power ngayong Buwan ng mga Kababaihan

Mar
2,
2020
Comments Off on Women Power ngayong Buwan ng mga Kababaihan

Women Power ngayong Buwan ng mga Kababaihan
Kasama ang mga opisyales ng Local Council of Women ay nagsagawa ng pagpupulong para sa Women’s Month Celebration ngayong Marso 2020. Pinag-usapan sa pagpupulong ang mga iba’t ibang proyekto at programa para sa mga kababaihan kasama si Mayor Carlos Lopez Jr.
Naging isa din sa sentro ng talakayan ang usapin sa Human Immunodeficiency Virus – Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS) at Ang Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) Act.
Binigyang-diin ni Vice Mayor Heidee Chua ang kahalagahan ng pagtalakay sa publiko ng hinggil sa usapin ng HIV-AIDS bunsod nang tumataas na kaso nito sa bansa.
“Nagkakaubusan ng mask, lahat nagsibilhan dahil COVID-19 pero yung HIV 62,000 people dito sa pilipinas awan met laeng gumatgatang ti condom?! Libre na ang condom sa RHU? which is nakakatakot din yun eh (HIV) pahayag ni Vice Mayor Chua.
Itinalaga naman ang petsang Marso 8 bilang National Women’s Day at Women’s Rights and International Peace Day.
Dumalo dun sa nasabing pagpupulong di Konse Marivic Salagubang Robeniol, Vice-Chairman ng Local Council of Women ng Asingan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top