Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Voters Registration ng COMELEC balik na muli sa July 1

Jun
24,
2020
Comments Off on Voters Registration ng COMELEC balik na muli sa July 1

Voters Registration ng COMELEC balik na muli sa July 1; Pamimigay ng Voter’s ID wala pa rin kasiguraduhan
Maaari nang magparehistro ang mga nais maging opisyal na botante sa pagbabalik ng registration period ng Commission on Elections o COMELEC.
“As of June 16, nag-resume na ang pag issue ng voters certification and by July 1, mag-resume na yung continuation ng registration para sa mga hindi pa nakarehistro at saka yung mga balik probinsya na maglilipat ng kanilang records o transcipt of record and magrereactivate ng kanilang records. “ pahayag ni Leny Manangan Masaoy, kasalukuyang Election Officer III ng COMELEC Asingan.
Ayon sa tagapagsalita ng COMELEC na si James Jimenez, matagal nang sinuspinde ng COMELEC ang pag-iimprenta ng ID, magmula nang magkaroon ng panukalang National ID System.
“Wala pa rin talaga at saka lalo na yung National ID na sabi nila kung kanino nila ibibigay syempre kawawa din ang mga botante dahil kailangan din nila sana nga ibalik nila yung voters ID kasi importante eh.” dagdag ni Masaoy.
Samantala, sa buwan ng Hulyo o Augusto ay magsasagawa ng Precinct Mapping kung saan layon nito na pagsasama-samahin sa iisang presinto ang mga magkakapitbahay depende na rin sa Territorial Mapping.
Writer: Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top