Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

VENTENILLA, BAGONG OIC CHIEF OF POLICE NG ASINGAN

Jan
4,
2021
Comments Off on VENTENILLA, BAGONG OIC CHIEF OF POLICE NG ASINGAN

VENTENILLA, BAGONG OIC CHIEF OF POLICE NG ASINGAN; 7 SA TOP 10 MOST WANTED NASAKOTE NG PNP SA TAONG 2020
Pormal nang nanumpa sa kaniyang bagong posisyon bilang officer in charge chief of police ng kapulisan sa bayan ng Asingan si Police Major Resty Ventenilla.
Sa turn-over ceremony noong Disyembre 2 ay pinalitan ni Ventenilla si Police Major Leonard Zacarias na nalipat naman sa Pangasinan Police Provincial Office.
“Hinihiling ko po ang ating pagkakaisa. Magtulungan po tayo laban sa krimen hindi po makakaya ng atin buong pwersa ng kapulisan ng Asingan kung wala pong cooperation, coordination ng bawat isa ng pamayanan ng Asingan. That’s why hinihiling ko po na sana ay i-report immediately yung mga nangyayari sa kapaligiran specially yung mga nasa illegal activities” saad ni Ventinilla.
Si Police Major Ventilla ay tubong Dagupan at nakapagsilbi bilang PNP Chief sa bayan ng Santiago, Ilocos Sur; Umingan; Natividad at Sison, Pangasinan.
Dumalo sa turn-over ceremony sina DPDO-PANG PPO Police Lieutenant Colonel Brendo at Mayor Carlos Lopez Jr.
Samantala, sa ginanap Municipal Advisory Council ay ipinagmalaki ng Asingan Police Station sa pangunguna ng dating hepe na si Police Major Zacarias ang kanilang naging accomplishment gaya ng paghuli sa pitong most wanted person kabilang ang pagsakote sa number 2 at 3 drug personality ng Asingan.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top