Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


FeaturedNews and Events

Vanjoss Homecoming dinagsa ng mga taga-hanga

Nov
5,
2019
Comments Off on Vanjoss Homecoming dinagsa ng mga taga-hanga

Vanjoss Homecoming dinagsa ng mga taga-hanga; Lodi Mayor Carlos Lopez Jr nagpasalamat sa lahat ng sumuporta

Bagamat biglang bumuhos ang malakas na ulan nitong hapon, di mahulugang karayom sa dami ng tao ang plaza ng Asingan sa pag antay kay The Voice Kids Season 4 Grand Champion Vanjoss Bayaban ang tinaguriang “The Breathtaking Young Balladeer of Pangasinan”. Sa nasabing okasyon ay nagpasalamat din ang butihing alkalde ng Asingan Mayor Lopez sa lahat ng nakiisa mula sa Gobernador Espino, mga Mayor, guro. estudyante, barangays at taga abroad na
tumulong sa pamamagitan ng text vote at online voting.

Naroon din sa nasabing homecoming celebration ang crew ng programang Rated K ni Ms. Korina Sanchez – Roxas upang i-record ang nasabing okasyon at ipapalabas ngayong weekend.

Nagbigay din ng kanilang mensahe sina Vice Mayor Heidee Chua at ang ama ni Vanjoss na si Bani Bayaban.

Sumuporta din sa nasabing okasyon ang miyembro ng Sangguniang Bayan at iba pang mga taga munisipyo

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top