Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Top 1 Most Wanted ng Asingan, timbog

Jun
5,
2020
Comments Off on Top 1 Most Wanted ng Asingan, timbog

Top 1 Most Wanted ng Asingan, timbog
Sa ulat ng Asingan PNP, Huwebes alas-kwatro (4) ng madaling araw kahapon nadakip sa pinagsanib na pwersa ng 104th Maneuver Company, RID, PRO1, PIB at IMEG ang suspek na si Natoy sa Barangay Carosucan Sur, na nahaharap sa kasong Murder at nangu­nguna sa talaan ng most wanted sa bayan.
“Actually itong suspek natin na matagal na nating tina-trabaho for almost 4 years na finally nahulog na sa kamay ng batas dahil plinano. Napag-alaman natin na itong ating suspek ay nandyan sa kanyang tahanan.” pahayag ni Police Major Leonard Zacarias, Officer in Charge ng Asingan PNP.
Hindi na nakapalag si Natoy nang ihain sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Tita Obinario ng Urdaneta Regional Trial Court Branch 45.
Hulyo 2016 nang mapatay ni Natoy ang live in partner ng kanyang tiyuhin. Napundi umano ang suspek sa biktima dahil sa paulit ulit siyang tinawag na “mangnanakaw” noong araw na yun.
“Yung tiyahin ko po sir, ginawa akong magnanakaw sabi niya sa akin magnanakaw daw ako. Nagsasaka po ako sir noong araw na yun tapos nag-ani ako, tapos yung palay ni tito ko yung katabi ko. Sabi niya noong nag-ani na po ako, sabi niya ninakaw ko daw yung ani ni tito ko eh may ani naman ako sir” ayon sa pahayag ng suspek.
Pansamatalang nakakulong ngayon ang suspek sa Asingan PNP at ililipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Urdaneta habang dinidinig ang kaso.
sa panulat ni Akosi MarsRavelos kuha ni JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top