Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

SOLAR STREET LIGHTS, SOLAR DRINKING STATION AT FARM TO MARKET ROAD NG SITIO DEPARTE

May
5,
2021
Comments Off on SOLAR STREET LIGHTS, SOLAR DRINKING STATION AT FARM TO MARKET ROAD NG SITIO DEPARTE


SOLAR STREET LIGHTS, SOLAR DRINKING STATION AT FARM TO MARKET ROAD NG SITIO DEPARTE, MATATAPOS SA IKATLONG QUARTER NG TAON AYON KAY MAYOR LOPEZ
Tatlong proyekto ang inihahanda ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. para sa mga mamamayan ng Sitio Departe, Barangay Bantog para sa taong 2021.
“Papailawan natin yung kanilang daanan kasi sa gabi yung mga magsasaka kung minsan nagagabihan sila na nagbebenta ng kanilang mga produkto sa ibang bayan… pag uwi na nila madilim yung kalsada so papalagyan natin siya ng solar streets light at meron pag malalagay doon na solar drinking station doon sa sitio departe at construction ng farm to market road nila” ani Mayor Lopez.
Nagkakahalaga ng P200, 000 para sa pagpapatayo ng solar street ng nasabing lugar.
“Noong pagbisita ko doon na may mga magsasaka ako na nakausap… yun nga madilim daw masyado doon sa lugar na yun at the same time yung mga barangay officials din eh yun din ang hiling sa atin. kaya may pondo naman na kunti kaya napriority natin yun” dagdag ng alkalde.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top