Solar Powered Mobile Computer Truck, Mag-Iikot para Makatulong sa Pag Aaral ng mga Estudyante sa BAyan ng Asingan
Edukasyon ang puhunan para siguraduhing ang iyong kinabukasan ay mgay patutunguhan.
Kaya nga naman kabilang sa mga prayoridad ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang mas maiangat pa ang antas ng edukasyon sa kanyang nasasakupan.
At ngayong araw ng martes May 21 ay dumating na ang kauna unahang solar powered mobile truck sa Asingan.
Ang mobile truck ay may labing apat (14) na computer set na libreng magagamit ng mga estudyante kabilang na rin ang internet.
Ito ay solar powered, ibig sabihin walang babayaran na kuryente.
Ngayong semestre iikot ang solar powered mobile truck sa iba’t ibang eskwelahan sa loob ng dalawampu’t isang (21) barangay.
Katuwang sa nasabing proyekto ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua.