Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Solar Powered Mobile Computer Truck, Bibiyahe na ngayong Hunyo

Jun
10,
2025
Comments Off on Solar Powered Mobile Computer Truck, Bibiyahe na ngayong Hunyo
Solar Powered Mobile Computer Truck, Bibiyahe na ngayong Hunyo para sa Libreng Pag-aaral sa Paggamit ng Computer sa Bayan ng Asingan
Sa lumabas na report ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO, kabilang ang Pilipinas sa mga bansa na ang mga estudyante ay wala o kulang ang ginagamit na computers para makasabay sa information technology.
Sinasabi din na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may positive “administrator attitudes” dahil sa pag-adopt sa makabagong technology sa basic education curriculum at school management.
Ngunit, sa kabila na may positibong pag-uugali, hindi makaabante sa kaalaman ang mga estudyante dahil rin sa kakulangan ng computers na ginagamit.
Karami­han sa mga estudyante na salat sa computers ay mga nasa rural areas. Bukod sa kakulangan ng computers at iba pang gadgets, hindi rin maka-access sa internet ang mga estudyante. Ayon sa report, 1 sa dalawang estudyante sa Pilipinas ay walang access sa internet.
Kasabay ng nakatakdang pagsisimula ng School Year 2025-2026 ngayong June 16 ay isang bagong solar powered mobile truck ang iikot sa sa iba’t ibang eskwelahan sa loob ng dalawampu’t isang (21) barangay.
“Actually yan isa sa mga adhikain natin na kung saan mabibigyan natin ng pagkakataon yung mga kabataan natin, mga mag aaral, mga out of school youth, yung mga parents, ofws, lahat po ng sector na gusto pong matuto ng computer yan po ang pinaka-misyon po ng mga computer po na yan na bigyan sila ng kunting kaalaman sa computer.” pahayag ni Mayor Carlos Lopez Jr.
 
Ang mobile truck ay may labing apat (14) na computer set na libreng magagamit ng mga estudyante pa na rin ang publiko na nagnanais matuto ng basic computer skills.
“Para hindi na tayo mamoblema sa bill ng kuryente sa barangay sa anomang parte ng Asingan may kuryente man o wala, atleast magamit natin ito. Kasi ipupunta ko ito sa liblib na lugar sa Asingan para hindi na pumunta rito yung mga kababayan natin at mamasahe pa. Kaya sila na lang pupuntahan natin at serbisyuhan ng pagtuturo sa kanila ng computer.” dagdag ng alkalde
Ang pangunahing ituturo ay Computer theory, MS Windows, MS Words, MS Excel, at MS Power Point.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top