Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Socio-Civic Project Fund Mula sa Pangulo, Natanggap ng ng mga Brgy Officials ng Asingan

Mar
7,
2023
Comments Off on Socio-Civic Project Fund Mula sa Pangulo, Natanggap ng ng mga Brgy Officials ng Asingan

Socio-Civic Project Fund Mula sa Pangulo, Natanggap ng ng mga Brgy Officials ng Asingan
Naipamahagi na ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan, sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. at Municipal Treasurer Imelda Sison ang Financial Aid Assistance sa mga barangay officials para sa nagdaang pasko.
Ang payout na ito ay bahagi ng Socio-Civic Project Fund mula sa opisina ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Kabilang sa tumanggap ng tig-tatatlong libong piso (P3,000) ay ang mga Punong Barangay, Barangay Kagawad, Sangguniang Kabataan Chairman, Barangay Secretary, Barangay Treasurer.
Umabot naman sa kabuoang animnaraan siyamnapu’t tatlong libong piso (P693,000) ang naipamahagi.
Pinasalamatan ng alkalde ang mga bumubuo ng Treasurers Office dahil sa pagsisikap na maipadala ang request sa opisina ng Pangulo upang makuha ang pondo para sa pay-out na nabanggit.
Sinamantala din ni Mayor Lopez Jr. ang pagkakataon na ibalita sa mga elected at appointed Barangay Officials ang iba’t ibang proyektong inilaan ng kanyang administrasyon sa kanilang mga lugar.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top