Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

SFO4 Nerissa Bruan, bagong Fire Chief Marshall ng Asingan

Jun
4,
2020
Comments Off on SFO4 Nerissa Bruan, bagong Fire Chief Marshall ng Asingan

SFO4 Nerissa Bruan, bagong Fire Chief Marshall ng Asingan; Chief Inspector Loreto Bernardino, maninilbihan naman sa Binalonan
Miyerkules ng umaga, pormal nang naupo bilang bagong Municipal Fire Marshall ng Bureau of Fire Protrection- Asingan si SFO4 Nerissa Montero-Bruan, apatnaput apat na taong gulang, tubong Sta. Maria, Pangasinan.
“Ito yung first time na talagang i-implement nila ang pag-stay ng isang marshall sa station ay two years, this year inumpisahan na ng regional.” ayon kay Bruan.
Samantala, si Chief Inspector Loreto Bernardino na nagsilbi ng mahigit na anim na taon sa Asingan ay na-assigned sa bayan ng Binalonan.
“Sa mahigit na anim na taon na-develop natin ang ating fire station na naging two story building at yung old fire truck natin ay na-condition at nakakuha pa tayo isang bagong fire truck.” Pag-alaala ni Bernardino.
Kinilala naman ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr. ang kalidad na serbisyong publiko na ginawa ni Bernardino sa Asingan.
“Nawalan tayo ng isang magaling na public servant, isa siya sa mga hinahangaan ko na naging hepe ng bureau of fire at marami siyang contribution sa pag-upgrade ng serbisyo ng bureau of fire sa bayan ng Asingan.” pahayag ng alkalde.
Sa panulat ni Akosi MarsRavelos mga larawan ni JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top