Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

SAN VICENTE WEST, MAY BAGONG TATLONG PALAPAG NA BARANGAY HALL AT HEALTH CENTER

Aug
4,
2021
Comments Off on SAN VICENTE WEST, MAY BAGONG TATLONG PALAPAG NA BARANGAY HALL AT HEALTH CENTER

SAN VICENTE WEST, MAY BAGONG TATLONG PALAPAG NA BARANGAY HALL AT HEALTH CENTER
Isinagawa kamakailan ang blessing at turn-over ceremony ng bagong barangay hall at health center ng San Vicente West na handog ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr., Bise Mayor Heidee Chua at miyembro ng Sangguniang Bayan.
“Ito yung inunti unti natin sinabi ko nga sa inyo noon pagagandahin natin yung mga facilities ng mga barangay so ito barangay hall saka yung health center natin. So at least dito sa barangay meron ng pupuntahan yung mga tao, mayroon na tayong facility na sandigan ng taong bayan ng San Vicente West.” ani ni Mayor Lopez Jr.
Samantala ayon pa din kay Mayor Lopez Jr. , muling ibabalik ang Barangay Medical Mission sa susunod na taon, layon nito na mabigyan ng libreng konsultasyon, check up at gamot ang mga kapus palad.
“So next year po magki-create tayo ng position na isang Doctor, isang Nurse, isang midwife, isang araw po andito po yung mga yun. Para po ma-cater ang mga health problem ng mga kababayan natin dito sa San Vicente West at isa ibang barangay din.” dagdag ng alkalde.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top