RHU ASINGAN, NAGSASAGAWA NG LIBRENG TULI NGAYONG PANDEMYA
Nasa 420 na kalalakihan mula sa 21 na barangay ang target na maserbisyohan ng libreng tuli ng Rural Health Unit (RHU) Asingan.
“Actually ito taon taon dapat, kaya lang nasa pandemic tayo walang operation tuli na iniinsponsoran ng fiesta ng ating bayan. Kaya ngayon habang nang aantay kami ng bakuna para sa Covid sinabi ko sa mga staff ko kung sino sa kanila ang pwedeng magtuli. Inischedule ko ng sampu kada barangay pero nagbigay ang ating butihin Mayor ng sampung dagdag na lidocaine anesthesia kaya ginawa natin twenty ” pahayag ni Dr. Ronnie Tomas, Municipal Health Officer ng Asingan.
Magtatagal ang programa sa loob ng isang buwan. Layon nito na matulungan ang mga walang kakahayan na magbayad para nasabing serbisyo.
“Actually sinasabi ko na sa mga midwife, sa mga kanya kanya nilang barangay pagbigay sila ng twenty na indigent saka yung madaling tuliin. Ilista nila yun ang priority namin para hindi magsiksikan kasi mahirap sa ngayon bawal pa rin ang mass gathering.” dagdag ni Dr. Tomas.
Narito ang iskedyul ng bawat barangay sa pagpunta sa ating RHU: April 12 – Bobonan; April 13 – Calepaan; April 14 – Carosucan Sur; April 15 – Domanpot; April 16 – Dupac; April 19 – Macalong; April 20 – San Vicente East; April 21 San Vicente West; April 22 – Poblacion East; April 23 – Poblacion West; April 26 – Sanchez; April 27 – Sobol; April 28 – Toboy; April 29 – Cabalitian; April 30 – Carosucan Norte; May 3 – Palaris; May 4 – Bantog; May 5 – Baro at May 6 – Coldit.
Ang hindi pagpapatuli ay maaaring magdulot ng problema tulad ng balanitis o ang pamamaga ng dulo ng ari. Maaari rin itong magdulot ng Phimosis o Paraphimosis, isang kondisyon na kung saan hindi na magalaw ang balat sa ari.
Ayon pa sa pag-aaral, malaki ang tiyansa NA magkaroon ng sexually transmitted diseases at erectile dysfunction ang mga lalaking hindi nagpatuli.
Romel Aguilar / JC Aying