Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

RHU Asingan, nagbabala laban sa dengue kahit hindi pa tag-ulan

May
28,
2020
Comments Off on RHU Asingan, nagbabala laban sa dengue kahit hindi pa tag-ulan


RHU Asingan, nagbabala laban sa dengue kahit hindi pa tag-ulan
Sa datos ng Rural Health Unit (RHU) ng Asingan, umabot sa dalawampu’t isa (21) ang kaso ng suspected dengue mula Enero hanggang Abril ang naitala na pawang negatibo.
Edad siyam (9) na taong gulang ang pinakabata habang limampu’t walong (58) taong gulang ang pinakamatandang suspected dengue case.
Huwebes ng tanghali ay nagsagawa ng misting spray kontra dengue sa paligid ng Quarantine Facility ang mga tauhan ng Material Recovery Facility at RHU Asingan.
Hinihikayat naman ang publiko na ugaliing gawin ang 4s kontra dengue.
Ito ay ang Seek and destroy, o pagpuksa sa mga pinamumugaran ng lamok na nagdadala ng dengue virus; Seek early consultation, o agad magpasuri sa mga doktor sakaling may mga sintomas na maramdaman; Self-protection o paggamit ng insect repellent o magsuot ng mga mahahaba at may manggas na damit; at Say no to indiscriminate fogging.
💻 Akosi MarsRavelos 📸 JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top